Here is my own interpretation of the video. As I was watching it, I found myself with tears trickling down my cheeks. I placed myself on the girl. Oh God, how great You are!
It was just a skit. People may have different interpretations on what the video presented but one thing for sure, it was really powerful. Nanindig talaga balahibo ko while it was playing.
God made us, and we all know that [unless you don’t believe in Him]. He made us in His likeness. He gave us air to breathe, water to drink, land to live, foods and fruits, everything. He loved us so much. Kasayaw Niya tayo sa buhay natin, and we all love that. We feel His presence all the time. Nararamdaman natin ang sarap kapag kasayaw natin ang Panginoon.
But man was separated from God. We danced the wrong way. And in our dance, our partner was the enemy. Just like the girl, nahiwalay siya sa Panginoon. Nagsimula siyang sayawin ang buhay kasama ang kaaway. Nagsimula siyang di makontento sa kung ano ang ibinigay ng Panginoon sa kanya. She craved for money. More money. Nagsimula siyang mapabilang sa masamang samahan. Natutong uminom, gumimik, magkaroon ng mga bisyo. Nalungkot ang Panginoon. “Nasaan na ang anak ko? Bumalik ka na Sakin,” God said.
Natuto ang babae na mainggit sa iba. She was conscious with her beauty. Natuto siyang tumingin sa sarili niya na napakababa. Nawala siya sa landas niya. Until she reached the lowest part of her life. Sumayaw ang kaaway with her. Sirang-sira na ang babae. Ang layo-layo ng Panginoon sa kanya. Ginagaya niya ang mga gawain ng kaaway.
Isang araw, nakita niya ang sariling balak ng magpakamatay. Binigyan siya ng kaaway ng baril. Hinawakan ng babae yung baril, itinutok sa ulo at handa ng kalabitin ito. Nang biglang . . .itinapon niya ito at nais bumalik sa kanyang Ama, ang Panginoon.
Nahirapan siyang bumalik. Ang daming kasamaan ang pumipigil sa kanya. Hinihila siya nito pabalik. Pero pinilit ng babae na bumalik. Nasugatan siya, nabugbog, ginawa niya ang lahat para mapalapit ulit sa Panginoon. God wanted her back. Hinihila din siya nito pabalik. Ngunit sa dami ng kasalanan ng babae, maduming-maduni na ito, but God loves her so much.
God saved her! Siya ang pumalit sa kalagayan ng babae. God substituted Himself. Ang Panginoon ang sinasaktan ng mga kaaway. Ang Panginoon ang binugbog, nasugatan, nagpapako sa Krus para sa kanya. Guminhawa ang pakiramdam ng babae habang sinasaktan ang Panginoon. But God is mighty to save. Natalo Niya ang kaaway. Lumapit siya sa anak Niyang matagal Niyang hinanap at hinintay. Nang mgakita sila, niyakap ng Panginoon ang babae. “Anak ko, napakasaya ko at bumalik ka sakin. Halika, sundan mo Ko,” sabi ng Panginoon. Sobrang saya ng babae. Umiyak ito at ngumiti. And they went home – HEAVEN.
God loves us so much. He won’t allow us to be hurt. While we are hurting, God is crying. And if we don’t ask His help, God is so desperate to help us.
Suspended between heaven and earth, JESUS, the Son of God, substituted Himself for you!
Thank you for the cross, Lord. Thank you for the price You paid. Bearing all my sin and shame, in love you came and gave amazing grace. Thank you for this love Lord! Thank you for the nail-pierced hands. You washed me with Your cleansing blood. Now all I know is your forgiveness and embrace.
God loves you. God is so desperate to have you back!
“Today, if you hear his voice, do not harden your hearts as you did in rebellion” – Hebrews 3:15
Di niyo pa ba napapanood? C'mon! Watch it!
God bless friends!







In Christ
Alone



yung last part ang hindi ko napanood kasi may problem yung video.
yun pala yun. ironically, God loves us naman talaga. Gaano man tayo kasama kung babalik tayo sa Kanya, tatanggapin Niya tayo.