Sumakay na ako ng jeep. Wala ako sa sarili. Lumilipad yung utak ko.
"Haay.. buhay! Lord, ganito ba talaga? Ang bata-bata ko pa pero sobra sobra na mga binibigay Mo sakin. Surrender na ako. Pagod na ako. Ayoko na. Kung di lang kasalanan ang magpakamatay, ginawa ko na. Ang hirap. Di ko na to makakaya."
Bumaba ako. Badtrip parin. Naglakad sa mataong street. Mabilis yung paglalakad ko. Nakakunot-noo. Ayoko na. AYOKO NA!
Habang naglalakad, nakita ko ang isang namamalimos. Nagmamakaawang humingi ng kahit isang barya lang. Nag-iba yung picture sa mind ko. Nawala lahat ng mga gumugulo sa isip ko. Nag-focus dun sa pulubi lahat-lahat.
At ni-remind ako ni Lord.
Mas kaawa-awa ang pulubi kesa sakin. Pero pinipilit nilang mabuhay sa paraang alam nila. Samatalang ako na halos lahat-lahat ibinibigay sakin, reklamo ako ng reklamo na inisip ko pang sana di nalang ako nabuhay. But that beggar, kung titingnan mo wala na silang pag-asa, but they continue to strive in order to survive. Wala akong karapatang magreklamo, ang lahat ay ibinibigay lamang sakin.
We are too lucky compared to some people in this world. Ay di pala lucky, BLESSED! Why complain, right? Ni-remind talaga ako ni Lord na everything is just a test, an assignment. All of these are part of God's work on refining myself. I desire to be just like Jesus's character. Jesus is my perfect model. Isa pa, bawal na maging weak ngayon. The Lord is coming soon and so we must be ready always.
Napaluha ako. "Lord, sorry. Forgive me for what I acted."
Kumanta ako habang naglalakad, papahid-pahid sa mga luhang tumutulo.
My open heart, I offer up my life
I look to You Lord
Your love that never ends
Restores me again
So I lift my eyes to You Lord
In Your strength will I breakthrough Lord
Touch me now, let Your love fall down on me
I know Your love restores all my fears
Through the storms I will hold on Lord
And by faith I will walk on Lord
Then I'll see beyond my calvary one day
That I will be complete in You."
Ikaw? Pagod ka na ba?







In Christ
Alone



Hala!
Coincidence!
Ganyan na ganyan din ang nararamdaman ko kanina!
Lagi kong naiisip na wala akong kwenta lalo na pagdating sa pag-aaral. Na-de-depress ako lagi everytime na nagkakaroon ako ng trials sa schooling ko - not in academics, but in terms of social interaction. Masyado akong loner eh kaya kung may mga school activities, lagi akong nahuhuli. heehee!
Pero still, like you, I feel so blessed na nakakapag-aral ako sa magandang school. Nakaka-awang makita yung mga batang lansangan na di nakakapag-aral, kaya happy na din ako kahit papano sa kalagayan ko.
May kanya-kanyang trials naman tayo lahat! Tama ka! Lahat yun ay pagsubok para ma-test yung faith natin kay God.
Nice post! Na-inspire ako! ^_^ Galing!
BTW, anong title nung kanta? Ganda ng lyrics!
Sige ingat Jaz! Post ka pa ng mga inspiring moments mo. God Bless!